MANILA, Philippines - Suportado ng Diliman Preparatory School (DPS) ang inilunsad na Search for Best Tourism Practices 2011 National Event ng Association of Tourism Officers of the Philippines (ATOP).
Ayon kay dating Sen. Anna Dominique ‘Nikki’ Coseteng, pangulo at chief executive officer ng DPS, na matatagpuan sa Commonwealth, Quezon City, isang magandang pagkakataon ito upang maipabatid sa mga mag-aaral ang tunay na kahulugan at kahalagahan ng turismo sa bansa.
Sa kasalukuyan ang DPS, na gumagamit ng ‘whole brain learning system’ upang mas mapadali at maging mas interesting ang pag-aaral para sa mga bata ay nagbabahagi na rin ng turismo sa kanilang curriculum para sa bawat mag-aaral.
Ang DPS ay itinatag noong 1969 at may 2,200 na mag-aaral sa pre-school, elementary, high school at college levels na pinamamahalaan ni Sen. Nikki, katuwang ang kaniyang kapatid na si Espiridon Coseteng, na tumatayong Vice President for Administrative Affairs ay nagsabing mahalagang mabatid ng mga mag-aaral ang mga tourist destination sa bansa.