Bacalzo wala pang kapalit

MANILA, Philippines - Wala pang inihahayag na susunod na PNP chief si Pangulong Aquino bilang kapalit ng magreretirong si PNP chief Gen. Raul Bacalzo.

Ayon sa source sa Malacañang, mayroon nang shortlist ang Pangulo na pinagpipilian nitong papalit kay Bacalzo kabilang sina Deputy Director Nicanor Bartolome at Director Samuel Pagdilao Jr. ng CIDG.

Wika pa ng source, ang dalawang nabanggit na PNP officials ay kapwa malapit kay Sen. Panfilo Lacon na sinasabing ‘kinokonsulta’ ngayon ni Aquino sa pagpili sa susunod na PNP chief.

Una nang nangako si Aquino sa media na kasama nito sa kanyang 5-day state visit sa China na ihahayag niya ang susunod na PNP chief noong Sept. 1 subalit wala namang pormal na inihayag pa ang Pangulo.

Show comments