Lovelife ni PNoy parang Coke

MANILA, Philippines - Ikinumpara ni Pangulong Aquino ang kanyang lovelife sa softdrinks na Coke.

Sinabi ni Pangulong Aquino sa kanyang mensahe sa Filipino community sa Beijing, China na tulad ng Coke ang kanyang buhay pag-ibig ay maihahalintulad mula sa pagiging regular, na­ging­ light hanggang sa naging zero.

“Nung nawala si Ginoong Marcos, nanay ko pumalit, siya ang nag-ayos. Twenty years later, alis si Ginang Arroyo, ako naman ang mag-aayos. Sabi ko, kawawa naman ‘to,” sabi ng Pangulo.

“May nagtanong ho kasi sa akin, sabi niya, ‘kamusta love life mo?’ Eh ang sabi ko po sa kanya, parang Coca Cola,”. “Noong araw, ‘regular.’ Naging ‘light.’ Ngayon, ‘zero.”

Ang pinakahuling babae na naugnay sa binatang Pangulo ng bansa ay isang Bunny Calica na nakasama niyang manood ng concert ng grupong Hotdog.

Nasa China ngayon si PNoy para sa kanyang 5-day state visit kung saan habang nasa Beijing ay pinasyalan nito ang pamosong Great Wall of China gayundin ang Forbidden City.

Bukod sa Beijing ay magtutungo din si PNoy sa Shanghai at Xiamen saka ito inaasahang uuwi sa bansa bukas (Sabado).

Show comments