7 na patay kay Mina

MANILA, Philippines - Nagtala na ng pito katao ang nasawi sa pananalasa ng bagyong Mina sa bansa.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos, ang huling biktima ay nakilalang si Ruel Soria, 4, ng Sta. Fe Village, ba­yan ng San Marcelino sa Zambales. Si Soria ay biktima umano ng pag­kalunod bunga ng pagbaha.

Nauna rito, anim katao ang nasawi sa magkakahiwalay na probinsya tulad ng Pangasinan, 2; Baguio City., 3; at Catanduanes. 1.

Samantala, pito katao pa rin ang patuloy na nawawala hanggang sa kasalukuyan.

Umabot naman sa 9,456 pamilya o 44,927 katao sa may 177 barangay at 35 bayan, at tatlong siyudad sa 11 probinsya ang naapektuhan.

Habang 13 kabahayan ang nawasak at 27 ang nasira.

Show comments