MANILA, Philippines - Mamahagi ang Department of Health (DOH) ng bakuna laban sa rota virus sa susunod na taon na pinondohan ng P800 milyon.
Ayon kay Health Secretary Enrique Ona, ang Pilipinas ang unang bansa sa Timog Silangang Asya na magbibigay ng bakuna sa pinakamahirap na bata upang hindi na sila kapitan ng rota virus.
Ang rotavirus ay isa sa pinaka karaniwang sanhi ng pagtatae (diarrhea) at malubhang impeksiyon (rotavirus gastroenteritis).
Ito rin ang nangungunang sanhi nang malubhang pagtutuyot na pagtatae (dehydrating diarrhea) ng isang sanggol.
Sinabi pa ng kalihim na halos lahat ng bata ay mayroong impeksiyon ng rotavirus hanggang sa edad na limang taon.