MANILA, Philippines - Ipinaliwanag kahapon ni Justice Sec Leila de Lima sa mga kaanak, survivors at mga kinatawan ng 8 Hong Kong nationals na nasawi sa Manila Hostage incident noong Agosto 23 ng nakaraang taon na si Pangulong Benigno Aquino III ang magpapasya para sa pagbabago ng desisyon upang panagutin ang mga opisyal na humawak ng negosasyon sa nasabing insidente sa Quirino Grandstand.
Naunawaan naman ng mga kaanak at survivors ng hostage incident ang paliwanag ni de Lima sa isinagawang close-door meeting nito sa kanila kahapon.
Nalinawan din ng mga ito na kailangang dumaan sa korte ang paghingi nila ng danyos kaugnay sa trahedya.
Samantala, nagpahatid naman ng pakikiramay ang Palasyo sa mga kaanak ng mga nasawi sa trahedya kaugnay ng 1-year death anniversary ng mga ito.
Si outgoing Tourism Sec. Albert Lim ang magiging kinatawan ng gobyernong Aquino sa isasagawang misa ngayon para sa 1-year death anniversary ng nasawing 8 HK nationals sa Quirino Grandstand hostage incident.