LPA namataan ng PAGASA

MANILA, Philippines - Isang namumuong sama ng panahon ang sinusubaybayan ngayon ng Philippine Atmos­phe­ric Geophysical and Astronomical Services Administration na maaring pumasok sa ating bansa.

Ayon sa PAGASA, ang low-pressure area ay namataan 600 kilometro sa silangan ng Visayas ganap na alas-2 ng madaling-araw.

Ma­laki anya ang tsansa na maging bagyo ang nasabing LPA pagsapit ng Martes o Miyerkules.

Sa sandaling makapasok na ang LPA sa bansa ay tatawagin itong “Mina.”

Sa ngayon wala pa umanong direktang epek­to ang LPA sa ating bansa.

Show comments