MANILA, Philippines - Kukuha ng 2,500 bagong nurse ang Department of Health (DOH) ngayong Setyembre bilang karagdagan sa 10,000 employment ng Registered Nurse for Health Enhancement and Local Service (RN Heals).
“(Nurses are) our wealth, our strength and they are actually being wasted because many of them at this very moment are looking for a job,” sabi ni Health Secretary Enrique Ona na umaasang ang karagdagang nurse ay makatutulong sa kakulangan 1,221 rural and unserved or underserved communities sa bansa.
Pagkakalooban ng certificate of competency and employment ng DOH, Department of Social Welfare and Development at ng Professional Regulation Commission ang mga nurse na makakumpleto sa itinakdang rekisito ng gobyerno.
Samantala, sinabi rin ng kalihim na dapat matigil na ang nakaugaliang pagpapa-anak sa mga hilot, o ang panganganak sa bahay. Ang pahayag ay kasunod ng resulta ng isang pag-aaral na pinakamalaking dahilan ng pagkamatay ng mga ina ay ang panganganak.