OFWs iniipit ng employers sa Syria!

MANILA, Philippines - Mangilan-ngilan pa lang na mga Pinoy ang naitala na sumailalim sa voluntary repatriation program ng pamahalaan dahil sa pang-iipit ng kani-kanilang employer sa Syria.

Sa report ng Embahada ng Pilipinas sa Damascus, umaabot  pa lamang sa 76 mula sa tinatayang 17,000 ang nagpahayag ng kanilang kagustuhang umuwi sa bansa simula nang itaas ng DFA ang crisis situation sa alert level 3 dahil sa tuminding sagupaan sa pagitan ng anti-government troops at Syrian security forces.

Maraming OFWs ang nagkaka-problema sa kanilang paglikas sa Syria dahil na rin sa mga pang-iipit sa kanila ng mga amo bunsod ng hindi pa natapos na kontrata at nanghihingi ng malaking kabayaran para bigyan sila ng exit clearance o visa.

Ayon sa mga OFWs, umaabot sa $5,000 ang sinisingil ng mga employer sa kanilang Pinoy na kasambahay na ‘unfinished contract’.

Show comments