Senado lumikha ng bagong komite para kay Koko

MANILA, Philippines - Lumikha ng bagong komite ang Senado upang ibigay kay Senator Koko Pimentel na nagpasyang sumama sa majority group ng Mataas na Kapulu­ngan.

Bukod sa bagong lik­hang komite, ibinigay din kay Pimentel ang committee on games, amusement and sports na dating hawak ni Sen. Lito Lapid.

Ginawang major committee upang ibigay kay Pimentel ang dating subcommittee on electoral reforms na dating sakop  ng Committee on Constitutional Amendments, Revision of Codes and Laws ni Sen. Miriam Defensor-Santiago.

Bukod sa dalawang komite na pamumunuan ni Pimentel, ginawa rin itong bagong miyembro sa mahigit na 10 iba pang komite.

Inihayag ni Senate Majority Leader Tito Sotto na dalawa lamang komite ang napunta kay Pimentel dahil wala ng ibang senador ang nais ipamigay ang pinamumunuan nilang komite.

Ayon kay Sotto, alam naman nilang gusto ni Pimentel ang komite na may kinalaman sa electoral reforms kaya nababagay sa kaniya ang bagong likhang komite.

Show comments