GSIS records ng Caloocan matatapos sa September

MANILA, Philippines - Tiniyak ng pamunuan ng Government Service Insu­rance System (GSIS) na matatapos nila sa September, 2011 ang mga isinumiteng “reconciled” records ng mga empleyado ng Caloocan City Hall.

Ayon kay Mary Rose Lubang, GSIS collection section chief, kasalukuyan na nilang nire-review ang mga records na isinumite ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri sa kanilang tanggapan noong August 5 ng kasalukuyang taon at inaasahang matatapos ngayong September.

Aniya, sakaling matapos na ma-reconcile ang mga records at magkaroon ng pirmahan (Memorandum of Agreement) sa pagitan ng lokal na pamahalaan at ng GSIS ay madali nang maayos ang mga obligasyon ng Caloocan City government at mapo-proseso na rin ang mga claims at benepisyo ng mga empleyado.

Show comments