MANILA, Philippines - Pinagpapaliwanag ni Cebu Rep. Thomas Osmena ang Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos madiskubre ang iregularidad sa pagbili ng combat utility helicopters sa ilalim ng modernization program nito.
Sa budget hearing sa Kamara, ibinunyag ni Osmena na iisang bidder lang ang sumali sa bidding process ng AFP para sa walong combat helicopters at ito ay ang pzl swidnick, isang kumpanya mula sa Poland.
Kinukuwestyon ni Osmena kung bakit lomobo sa P2.8 billion ang halaga ng walong choppers samantalang umaabot lang sa P2.1 billion ang orihinal na presyo nito.
Subalit katwiran naman ni Defense Undersecretary Fernando Manalo, ang naturang kumpanya lang umano ang nakatugon sa hinihinging requirements ng AFP.
Ang kontrata umano ay inilaan at naaprubahan noong panahon ni dating defense Secretary Norberto Gonzales.
Apat umano sa choppers ay idedeliver na sa Nobyembre ng taong ito habang ang natitirang apat ay sa Nobyembre 2012.