Ombudsman hinamon ng KKKK

MANILA, Philippines - ?Hinamon ng Kilusan Kontra Kabulukan at Katiwalian (KKKK) si bagong talagang Ombudsman Conchita Carpio Morales na sampolan ang mga kaibigan, kaklase at kabarilan ni Pangulong Aquino na nadadawit sa kasong plunder upang ?patunayan na hindi ito naiimpluwensiyahan ng Malakanyang.

Ilan sa mga tinukoy ng KKKK na tinik sa pangakong tuwid na daan ni Aquino ang kaibigang si Lt. Gen. Gaudencio Pangilinan na itinalaga bilang hepe ng Bureau of Corrections at kaklase sa Ateneo de Manila University na si MMDA Chairman Francis Tolentino na kapwa may kasong plunder.

Ayon kay KKKK spokesman Jun Pena, dapat isama ni Morales sa pangakong 1,000 kasong lulutasin sa unang buwan nito bilang Ombudsman ang plunder cases na?isinampa ni dating Tagaytay City administrator Rev. Ronald Tan na nagparatang sa MMDA chairman at sa kapatid nitong si Tagaytay City Mayor Abraham Tolentino ng ?pagpapayaman habang nasa poder.

Nagberipika rin si Tan sa Land Registration Authority (LRA) at natuklasan niya na ang tanging ari-arian ng mga Tolentino bago naluklok sa kapangyarihan ay isang lupain sa Barangay Tolentino West sa Tagaytay.

Ngunit habang nasa poder ang mga Tolentino, naipatayo umano nila ang Cockpit Arena, Frablyn Towers, Star Ridge Plaza, Windy Ridge Hotel, Airborne Building, New Orleans Hotel at Overlook Inn.

Show comments