'ER switching' idinetalye na ni Santiago sa DOJ

MANILA, Philippines - Pormal nang isinumite ni Sr. Supt. Rafael San­tiago, Jr. ang kanyang affidavit sa Department of Justice (DoJ) kung saan idinetalye nito ang kanyang partisipasyon sa palitan ng election returns sa Batasang Pambansa noong 2005.

Nakasaad sa affidavit ni Santiago na isinagawa ang “special operation” noong Oktubre 2004 nang utusan siya ni Chief Supt. Marcelino Franco na hepe noon ng Special Action Force (SAF) na bumuo ng grupo para sa isang “intelligence operations and other special missions.”

Matapos na magkaroon ng team building, physical conditioning, ka­­gamitan at motivation, na­kipagkita  si Santiago noong Enero 18, 2005 kay Police C/Insp. Ferdinand Ortega sa Batasan complex, kasama ang isang “El Bello,” Franco at Zambales Gov. Hermogenes Ebdane na noo’y PNP chief.

Nilinaw ni Santiago na limitado lamang ang kanilang partisipas­yon sa operasyon na nang­­yari ng dalawang beses noong Enero at dalawang ulit ng Pebrero 2005.

Show comments