MANILA, Philippines - Mariing tinutulan ng isang kongresista ang panukalang recount para sa 2004 presidential polls at sa halip ay hinikayat nito ang Commission on Elections (Comelec) at Department of Justice (DOJ) na tumutok lamang sa imbestigasyon ng umano’y iregularidad na ginawa ng kampo ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.
Sinabi ni 2nd district, Quezon City Rep.Winnie Castelo, hindi na kailangan pang magkaroon ng vote recount tulad ng panukala ng isang grupo upang ma-establish kung sino ang tunay na nanalo noong 2004 elections kundi sapat na upang itaguyod ang umano’y electoral fraud ni Arroyo at ng mga kaalyado nito.
Giit ni Castelo, dapat na matuldukan ang nasabing kontrobersiya dahil nagdudulot uman ito ng stumbling block para sa isinusulong na political stability ng bansa.
Bukod dito mas magastos at matagal pa umano ang proseso ng recount kayat dapat na lamang ay pakinggan ng Comelec at DOJ ang testimonya ng mga naglalabasang testigo.