Bagong Bucor chief dawit sa AFP anomaly

MANILA, Philippines - Sa kabila ng pagkakadawit sa Armed Forces of the Philippines (AFP) anomaly at plunder case, itinalaga pa rin ni Pangulong Aquino ang isang kareretiro pa lang na heneral ng militar bilang bagong pinuno ng Bureau of Corrections (BuCor).

Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima, pormal nang nanumpa sa kanya si retired Lt. Gen. Gaudencio Pangilinan, na nauna nang idinawit ni Rabusa sa umano’y talamak na korapsiyon sa AFP.

Pinalitan ni Pangi­linan si Ernesto Diokno na napatalsik sa posisyon matapos ulanin ng mga pagbatikos sa umano’y VIP treatment kay dating Batangas governor Jose Antonio Leviste.

Ang huling puwestong hinawakan ni Pangilinan bilang sundalo ay ang pagiging commander ng AFP-Northern Luzon Command na nakabase sa Tarlac. Miyembro si Pangilinan ng Philippine Military Academy (PMA) Class of 1979.

Nagretiro si Pangilinan noong nakaraang Hulyo 25 pa lamang, kung kailan ay nagdiwang ito ng kanyang ika-56 na kaarawan, ang mandatory retirement age.

Show comments