MANILA, Philippines - Niyanig ng 5.9 magnitude na lindol ang Iba, Zambales kahapon ng ala-1:15 ng madaling araw.
Sa ulat ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs), nakaramdam ang Iba, Zambales ng tatlong aftershocks, una ganap na alas 2:12 ng madaling araw na umabot sa lakas na magnitude 3.9 at 4.0 magnitude dakong alas 3:10 ng umaga.
Sa ikatlong aftershock bandang 3:34 ng umaga ay umaabot naman sa 2.8 magnitude ang naitala sa nabanggit na lugar.
Ayon sa Phivolcs, bagamat apat na beses na niyanig ang Iba wala namang naiulat na nasugatan o napinsalang ari-arian.
Naramdaman din ang lindol sa intensity 4 sa Clark, Pampanga; Obando, Bulacan; Quezon City, Manila, Alabang Muntinlupa; Bacoor, Cavite habang intensity 3 sa Makati, Pasig, Mandaluyong, Tagaytay; Cabanatuan, Nueva Ecija at intensity 2 sa Baguio City.