CGMA inisnab ang SONA

MANILA, Philippines - Inisnab ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang second State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ito’y matapos siyang dumalo sa opening ng second regular session ng 15th Congress kahapon ng umaga pero bandang alas-11:00 ng tanghali ay umalis na agad ito. Maging ang bayaw ni GMA na si Negros Occidental Rep. Ignacio Arroyo ay hindi na rin dumalo sa SONA.

Sa panig naman ng dating presidential son na si Ang Galing Pinoy (AGP) Rep. Mikey Arroyo, mauunawaan na ng publiko kung hindi man sila dadalo sa SONA dahil sa inaasahang mga banat ni Pangulong Aquino sa da­ting first family. Samantala isinugod naman si CGMA sa St. Lukes Hospital sa Global City bandang alas-5:00 ng hapon matapos magmula ito sa Pampanga.

Sinabi ni Atty. Raul Lambino, legal spokesman ni CGMA, sumama daw ang pakirandam ng dating Pangulo matapos bumisita ito sa Pampanga kaya isinugod ito sa St. Lukes Hospital sa Global City.

Wala namang ibinigay na ibang detalye si Maite Defensor na tagapagsalita ni CGMA.

Show comments