Bidding sa 8 fire trucks pinatitigil ng 2 solon

MANILA, Philippines - Pinapahinto ng 2 kongresista ang bidding para sa 8 fire trucks na nagkakahalaga ng mahigit P50 milyon.

Sinabi ni Agham Partylist Rep. Angelo Palmones at Antipolo Rep. Romeo Acop, sa kanilang liham sa Bureau of Fire Protection (BFP) bids and awards committee na ihinto ang planong pagbili din ng 150 fire trucks na nagkakahalaga ng bilyon. Anila, kasalukuyang iniimbestigahan ng Kamara ang sinasabing iregularidad sa sinasabing planong pagbili ng fire trucks ng BFP.

Pinaimbestigahan din ni Palmones sa Kamara ang biglang pagbabago sa technical specifications ng trucks na dapat ipa-bid ng BFP na nagiging pabor sa mga imported fire trucks at nadehado naman ang mga local inventors na gumagawa din ng fire trucks.

Samantala, nais din paimbestigahan ni Rep. Acop ang ulat na ilang opisyal ng BFP ang nagtungo sa Thailand para bisitahin ang PTO fire trucks manufacturer na kasama ngayon sa bidding.

Ipinabatid din ng 2 kongresista kay DILG Sec. Jesse Robredo ang kanilang pagtutol sa nasabing bidding.

Show comments