2 Pinoy ligtas sa bitay sa China!

MANILA, Philippines - Dalawang Pinoy na sinentensyahan ng bitay sa China ang ligtas na sa tiyak na kamatayan dahil sa kasong drug smuggling matapos na mabigyan ng commutation o pagpapababa sa kanilang parusa.

Kinumpirma kahapon ng  Department of Foreign Affairs (DFA) na ibinaba sa life imprisonment o habambuhay na pagkabilanggo ang naging desisyon ng Hangzhou Intermediate People’s Court sa dalawang Pilipino, isang babae at isang lalaki na magkasunod na naaresto sa Hangzhou noong Oktubre 25 at 27, 2008.

Hinatulan ng parusang kamatayan na may 2-year reprieve ang dalawang hindi pinangalanang Pinoy na nagsilbing drug mules nang mapatuna­yang nagdala ng mahigit sa 1.2 kilong heroin sa kanilang bagahe papasok sa China.

Sinabi ng DFA na na­ging basehan ng korte ang ipinakitang magandang asal at gawain sa loob ng kulungan ng dalawang Pinoy. 

Show comments