A Song of Praise Music Festival 2011

MANILA, Philippines - Kadalasan tungkol sa pag-ibig para sa isang minamahal ang lyrics ng isang kanta.

Ang mga walang kamatayang love songs na ito ang naririnig sa airwaves at naging bahagi na ng ating mga buhay.

Minsan ay hindi natin napapansin na ang Pa­­­nginoong Diyos, ang ating Lumikha, ay bihi­rang ma­banggit sa na­tu­rang mga world-renowned songs. 

Para ibalik ang pangalan ng Panginoong Diyos sa awitin, ilulunsad ng UNTV ang “A SONG OF PRAISE” MUSIC FESTIVAL.

Sinimulan bilang isang church annual song­writing­ competition, ang ASOP ay bukas sa lahat ng amateur at professional songwri­ters nationwide. Sa mga na­kalipas na taon, ang ASOP ay na­katanggap at nakapag­labas na ng mga songs of praise na nagpapasa­lamat sa Panginoong Diyos na naging parte ng buhay ng mga partisipante.

Ang ASOP ang na­ ging lugar para sa iniisip at nararamdaman ng songwriter na isinama sa kanta. Hangad ng programa na mahikayat ang mga songwriters na lumikha ng innovative styles sa pagsusulat at paggawa ng kanta para papurihan ang Pa­nginoong Diyos.

Ang ASOP para sa te­lebisyon ay pamamahalaan nina Richard Reynoso at Toni Rose Gayda bilang mga hosts. Isasaere ito tuwing Linggo mula alas-7 hanggang alas-8:30 ng gabi sa UNTV.

Show comments