MANILA, Philippines - Ipinahayag ni Supreme Court spokesman Atty. Midas Marquez na sa halip na Temporary Restaining Order (TRO), 10 araw ang binigay ng korte sa mga respondents upang ihain ang kanilang komento.
Ito’y matapos na mabigo ang mga tutol sa postponement ng halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na TRO laban sa planong pagpapaliban ng regional elections sa susunod na buwan.
Kahapon hiniling sa SC ng mga Muslim groups kasama si dating Senate President Aquilino Pimentel na maglabas ito ng temporary restraining order laban sa implementasyon ng Republic Act No. 10153.
Sa ilalim ng batas, ipagpapaliban muna ang lokal na halalan para maisabay sa May 2013 mid-term elections.
Binibigyan din nito ng kapangyarihan ang Pangulong Aquino para magtalaga ng magiging officer-in-charge sa regional government.
Sa naunang pahayag ni Commisison on Elections Chairman Sixto Brillantes, sinabi ng opisyal na mangangailangan sila ng dalawang buwan para mapaghandaan ang halalan sa ARMM.
Bagama’t kapos na umano sila sa panahon, nakahanda pa rin aniya ang poll body na sumunod kung anuman ang ipag-uutos ng SC.