Bebot na may cancer, nagbigti

MANILA, Philippines - Nagbigti na lamang ang isang 30-anyos na babae dahil sa nararanasang depresyon sa sakit na cervical cancer at iniwan pa umano ng kinakasama sa Tondo, Maynila, kahapon ng hapon.

Nakilala ang nasawi na si Jennelyn Salmorin, 30, ng Delpan St., Bi­nondo, Maynila. Nagawa pa itong isugod sa pagamutan subalit hindi na rin umabot pang buhay.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:30 ng hapon nang madiskubreng nakabitin ang biktima sa loob ng kanilang bahay.

Sinabi ng ina ng biktima na naging malungkutin ang anak simula noong Enero ng taong kasalukuyan, matapos ma-detect ng Philippine General Hospital (PGH) na may kanser ito sa matris at nasundan pa ito ng pag-iwan sa kaniya ng live-in partner.

Show comments