Ex-DA chief, Bolante, et al pinakakasuhan ng Ombudsman

MANILA, Philippines - Inerekomenda ni Acting Ombudsman Orlando C. Casimiro ang pagsasampa ng kasong plunder kay dating Agriculture Secretarty Luis Ramon “Cito” P. Lorenzo, Undersecretary Jocelyn “Joc-Joc” Bolante, Assistant Secretary Ibarra T. Poli­quit at iba pang matataas na opisyal ng Department of Agriculture kaugnay ng P728 Milyong Ferti­lizer Fund Scam.

Ito ay makaraang ma­kakita si Casimiro ng pro­bable cause  para idiin sa kaso ang mga nabanggit na umano’y nagsa­bwatan kaugnay ng natu­rang anomalya.

Ang mga nabanggit ay nagsumite din ng kani-kanilang motion for reconsideration pero pawang inis­n­ab lamang ni Casimiro.

Samantala, inerekomenda din ng Ombudsman na kasuhan ng kri­minal si Bataan Governor Enrique Garcia dahil sa umano’y maanomalyang pagbili ng gobernador sa patrol boat na nagkakahalaga ng P142, 000 noong 2005.

Show comments