Sa kampanya laban sa human trafficking, PNoy pinuri ni Clinton

Manila, Philippines - Pinuri ni U.S. Secretary of State Hillary Clinton si Pangulong Benigno Aquino III kaugnay sa mahigpit na kampaniya ng gobyerno nito laban sa human trafficking.

Sa isang pahayag, pinatungkulan pa ni Clinton ang Aquino administration na umano’y nangunguna sa pagsagawa ng pagbabago.

Ginawa ni Clinton ang pahayag kasunod ng desisyon ng U.S. State Department na tanggalin ang Pilipinas sa kanilang “human trafficking watchlist.”

Batay sa Trafficking in Persons Interim Assessment ng Amerika, sinasabing malaki umano ang improvement ng Pilipinas sa paglaban sa human trafficking bunsod na rin umano ng pagbibigay prayoridad ng Department of Justice at ng Supreme Court sa pag-usad at pagresolba sa mga trafficking cases.

Sa inilabas na U.S. State Department’s Trafficking In Persons (TIP ) report, partikular na binigyang pansin sa TIP report ay ang pagkakahatol sa 25 trafficking offenders.

Nagpaabot din ng pagsaludo si U.S. Ambassador to the Philippines Harry K. Thomas, Jr.  kina Pangulong Aquino at Justice Secretary Leila de Lima.

Nagpasalamat naman si Pangulong Aquino sa pagkakatanggal ng Pilipinas sa human trafficking watch sa US State Department.

Ikinagalak ng pamunuan ng Kamara ang pagkakaangat  ng Pilipinas sa Trafficking in Persons Report ng US State Department.

Sibabi ni Deputy Spea­ker Lorenzo “Erin” Tañada III na isa itong magandang baita sa laban ng bansa kontra human trafficking at isa itong malinaw na indikasyon na nasa tamang daan tayo tungo sa pagtatanggol sa kapakanan ng ating Overseas Filipino Workers.

Show comments