Ex-Palawan gob. inabsuwelto sa Ortega slay

MANILA, Philippines -  Inabsuwelto ng Department of Justice (DOJ) sa kaso ng pagpaslang sa broadcaster na si Dr. Gerry Ortega si dating Palawan governor Joel Reyes.

Bukod kay Reyes, pinawalang sala din sina dating Marinduque governor Jose Antonio Carreon; Mayor Mario Reyes, Jr.; Atty. Romeo Seratubias, dating Palawan administrator Arturo Regalado at Percival Lecias.

Sa halip, isinulong DOJ panel ang kasong murder laban sa mga suspek na sina Rodolfo Edrad, Jr., Armando Noel, Dennis Aranas at Arwin Arandia. 

Sa 22-pahinang resolusyon ng panel na pinamumunuan ni Assistant Senior State Prosecutor, walang probable cause upang litisin sa husgado ang kampo ni Reyes.

Mahina rin anila ang mga ebidensiyang inihain laban kay Reyes at mga kapwa akusado sa krimen.

Dismayado naman ang anak ni Ortega sa ginawang pagbasura ng DOJ sa kaso. Gayunman, tumanggi muna si Mica Ortega na magbigay ng detalyadong pahayag dahil pag-uusapan pa raw ng kanilang pamilya ang susunod nilang hakbang.

Si Ortega ay binaril at napatay noong January 24, 2011 habang bumibili ng ukay-ukay sa Puerto Princesa City.

Show comments