MANILA, Philippines - Siniguro naman ng Palasyo na muling itatalaga ni Pangulong Benigno Aquino III si Comelec chairman Sixto Brillantes matapos na hindi ito makapasa sa Commission on Apppointments (CA) bago magbakasyon ang Kongreso.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, siniguro ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr. na muling itatalaga ni Pangulong Aquino si Brillantes bilang chairman ng Commission on Election (Comelec).
Magugunita na na-bypass si Brillantes sa CA at hindi ito nakapasa bago magbakasyon ang Kongreso dahil na rin sa oposisyon dito ni Sen. Juan Miguel Zubiri.