MANILA, Philippines - Upang igiit ang pag-angkin sa teritoryo ng Pilipinas, tinawag nang Ma lacañang na West Philippines Sea ang dating South China Sea.
Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin La cierda, mas pinili ng gobyerno na tawaging West Philippine Sea ang ilang parte ng South China Sea kung saan naroroon ang ilang isla na hindi naman kabilang sa disputed areas sa Spratly islands upang igiit ang pag-angkin ng gobyerno dito.
Wika pa ni Lacierda, naniniwala din si Pangulong Benigno Aquino III na mareresolba ang usapin sa Spratly islands sa pamamagitan ng diplomatikong pamamaraan.
Inamin din ng Palasyo na wala pang formal na pag-uusap sa pagitan ng China at Pilipinas hinggil dito pero nakabukas ang komunikasyon ng gobyerno para sa China habang patuloy naman ang ugnayan ng DFA at Chinese embassy hinggil ditto.