Utak ng black coral smuggling pinapaaresto ng Senado

MANILA, Philippines -  Labing-apat na senador ang pumirma kahapon sa  arrest order laban sa mag-asawang negosyante na nasa likod ng smuglling ng black corals sa bansa na hindi sumipot sa ginawang pagdinig kahapon.

Ipinapaaresto ng Senado sina Vivian Lim at Li at isang nagngangalang Joe Pring matapos ipa-contempt ng mga senador.

Ayon kay Sen. Juan Miguel Zubiri, kung nabigo ang gobyerno na arestuhin ang mga nabanggit ay ang Senado ang aaresto sa mga ito.

Ang Office of Senate Sergeant at Arms ang magpapatupad ng arrest order na ipinalabas ng Senado sa pangunguna ni Senate President Juan Ponce Enrile.

Show comments