MANILA, Philippines - Tataas ng 51 sentimo ang singil sa kada kilowatt-hour (kWh) sa generation charge ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan ng Hunyo.
Ayon kay Joe Zaldirriaga, pinuno ng External Communication ng Meralco, ang dagdag singil ay bunsod ng pagtaas ng generation cost ng lahat ng supplier nito para sa buwan ng Mayo.
Iginiit naman ng Meralco na hindi lamang ang presyo ang may impact sa electricity bills ng mga kostumer, kundi maging ang power usage ng mga ito.
Ang generation charge ang pinakamalaking component ng electricity bill, na binubuo ng 60 porsiyento ng binabayaran ng mga consumers.
Anang Meralco, hindi napupunta sa kanila ang generation charge kundi sa mga distribution company dahil ito’y ‘completely pass through charge.’