Pagiging 'bobo' pwedeng basehan para mapawalang bisa ang kasal

Manila, Philippines - Isasama na ang pagiging bobo o “extremely low intelligence” at immaturity sa mga basehan ng ‘psychological incapa­city’ para sa pagpapawalang bisa ng kasal.

Sa Senate Bill 781 na inihain ni Sen. Jinggoy Estrada, sinabi nito na masyadong malabo ang mga rason o batayan ng ‘psychological incapacity’ na kalimitang ginagamit sa pagpapawalang bisa ng kasal.

Nais ni Estrada na linawin sa Family Code ang mga basehan ng ‘psychological incapacity’ upang hindi malito ang mga abogado o hukom at maging mabilis ang desisyon ng korte.

Bukod sa “extremely low intelligence” o pagi­ging bobo, nais ring isama ni Estrada sa basehan ng psychological incapacity ang bayolenteng pag-uugali hindi lamang sa asawa kundi sa mga anak, pag-abandona sa pamilya, pagiging adik sa sugal, alak, at droga, sobrang tama, sobrang pagtataksil at pagiging bakla o tomboy.

Ayon kay Estrada, posibleng maging alternatibong paraan ang pag-amiyenda sa Family Code kaysa magpasa ng batas tungkol sa diborsiyo.

Show comments