MANILA, Philippines - Ang pagtaya sweepstakes at Lotto ang isa pa rin sa mga pag-asa ng mga Pilipinong gustong yumaman.
Ito ay pinatunayan ng pagratsada sa first quarter 2011 performance ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa pagtatamo nito ng malaking dagdag na benta sa three-on-line games (lotto, Keno, STL), ayon kay PCSO Chair Margie Juico.
Kumpara sa P6.795-B nung 1st quarter 2010, bumenta ang ahensya ng P7.6-B same period ng kasalukuyang taon o 12.21% increase.
Sa Keno game, nagtala ng 253.82% na dagdag sa benta o P134.9-M kumpara sa P38.1-M sa taong 2010. Samantala sa STL, nagtala ng 93.97% increase o P1-B sa 2011 kumpara sa P518.49-M sa 2010. Sa lotto, 3.93% increase, o P6.48-B sa 2011 kumpara sa P6.2-B sa 2010.
Dahil sa magandang performance na ito, lumawak ang naging tulong ng ahensya sa pangangalaga ng kalusugan ng mahihirap at iba pang social services sa komunidad, ayon kay Juico.
Sa first quarter 2011, 32,824 kabuuang indigent patients ang natulungan sa out-patient charity clinics (Quezon City Hall, PCSO San Marcelino, Our Lady of Peace Hospital). Ang kabuuang ito ay nag a-average ng 10,941 cases buwan buwan, o 497 cases araw-araw. Samantala, 22,472 cases ang natulungan sa 26 na medical-dental missions sa mga lalawigan at Metro-Manila.
Nung January 2011, ang PCSO ay nagbayad ng P2.9-B kabuuang buwis sa Bureau of Internal Revenue (BIR). Kasama sa halagang ito ang P1.2-B unpaid accounts ng ahensya sa BIR nung nakaraang administrasyong Arroyo.
Ang P1.7-B PR/Advertising budget na ginastos noong 2010 ay ibinaba sa P500-M budget sa taong ito. Ito ay nangangahulugan na nabawasan ang gastos sa PR ng P1.2B na napunta sa pagsisilbi sa mahihirap.
Ang bagong tanggapan ng ahensya sa PICC ay nagbabayad lang ng P1.9-M buwan buwan kumpara sa ibinabayad nitong P2.4-M buwan buwan sa Quezon Institute (QI).
“Sound professional management, high employee morale, and focused vision on the PCSO mission are among the factors that made this happen. We are committed to President Noynoy to transform the agency into a vital and effective arm for the welfare of the poor. We will not waver,” patapos ni Juico.