Chedeng humina na

Manila, Philippines - Humina na ang bagyong Chedeng habang patuloy ang pagkilos pahilagang kanluran kahapon ng umaga.

Ayon kay Manny Mendoza, weather forecaster ng Philippine Atmospheric Geophy­sical and Astronomical Services Administration (PAG­ASA), pa­tuloy ang paghina ni Chedeng at unti-unti itong malulusaw bago dumating sa southern Japan.

“Sa palagay ko di na iyan papasok ng Japan, malulusaw yan sa may Pacific Ocean,” pahayag ni Mendoza.

Kahapon ng umaga, si Chedeng ay namataan sa la­yong 200 kilometro hila­gang sila­ngan ng Basco, Ba­ta­nes taglay ang lakas ng ha­nging 165 kilometro bawat oras at may pagbugso hanggang 200 kilometo bawat oras.

Ang Batanes Group of Islands anya ay makakaranas ng sama ng panahon habang ang Babuyan Group of Islands at Calayan Islands ay may pag-uulan na may kasamang malakas na paghangin.

Ang nalalabing bahagi ng Luzon kasama ang Metro Manila at Visayas ay makakaranas ng mga pag-uulan dahil sa habagat samantalang ang Mindanao ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat kalat na pag-uulan.

Ngayong Linggo, si Che­deng ay inaasahang nasa layong­ 680 kilometro ng hila­gang silangan ng Basco, Ba­tanes o  nasa 110 kilometro timog ng Okinawa, Japan.

Show comments