Wagi sa Aliwan Fiesta photo contest

MANILA, Philippines - Nakamit ni Emerick Mangune ang grand prize na P50,000 sa photo competition ng Manila Broadcasting Company para sa kanyang pinamagatang “Tuwa at Kulay” na inilarawan ang mga taga Purok Sison Elementary School habang nagbubunyi pagkasayaw nila sa ngalan ng Uswag Surallah Lembuhong Festival ng South Cotabato noong nakarang Aliwan Fiesta. Pumangalawa naman si Romano Gerlad Rago sa kanyang larawang “Ilawan Na, Aliwan Na”, ng Tribu Pan-ay, sinundan ni Vincet Kho sa ikatlong puwesto para sa kanyang kuhang pinamagtang “Dinagyang Tribe.”

Binuo ang inampalan ng mga batikang photographer na sina Wisg Tysmans, Mark Floro at Eddie Boy Escudero.

Ang mga nagwaging larawan ay tampok sa Aliwan Fiesta photo exhibit na makikita sa Star City mula ika-27 ng Mayo hanggang katapusan ng buwan. Para sa detalye tignan ang official website sa www.aliwanfiesta.com.ph.

Show comments