MANILA, Philippines - May bagong ka-date si Pangulong Aquino ng manuod ito ng reunion concert ng bandang Hotdog kamakalawa ng gabi.
Sinabi ni Presidential Communications Sec. Ricky Carandang, hindi niya kilala ang nasabing babae na kasama ni PNoy pero kasama ito ng Pangulo sa table kung saan naroon din ang mga Abad, Pagcor chairman Bong Naguiat, dating Sen. Mar Roxas at Energy Sec. Rene Almendras.
Nang tanungin si Carandang kung nag-enjoy ito ay sinagot nitong “I think they had a good time”.
Ayon sa source, katamtaman ang height ng babae at hanggang balikat ang buhok at balingkinitan ang katawan.
Magugunita na naugnay na rin ang Pangulo sa kanyang hair stylist na si Liz Uy, sa investment broker na si Len Lopez at kay Valenzuela Councilor Shalani Soledad.