MANILA, Philippines - Tinanggap kahapon nina Quezon City Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte ang unang unit ng E -tricycle na pinatatakbo ng kuryente sa tulong ng solar power. Ang mga E-tricycles ay dinivelop ng Technostrat Corporation.
Napag-alaman na ang E-tricycle or E-trike ay environmental friendly ito ay alternatibo sa mga motorsiklong gumamit ng gasoline at para makaiwas sa air at noise pollution.
Si Kasangga party-list Rep. Teodorico Haresco, ang isa sa naging Panauhing Pandangal para ibigay sa Quezon City government ang nasabing electronic bike.
Sinabi ni Haresco, may 1.5 million tricycle sa bansa ang kumo-kunsumo ng pitong litro ng gasolina kada araw ayon sa ginawang pag-aaral ng Asian Development Bank.
Kumbinsido si Haresco, na ‘excellent alternatives’ ang E-trikes sa may 20,000 registered tricycles sa Quezon City.