Mar magiging chief of staff ni PNoy - Palasyo

MANILA, Philippines - Kinumpirma ng Palasyo na magiging Presidential Chief of Staff si dating Sen. Mar Roxas sa sandaling magtapos ang 1-year ban.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda sa ambush interview ng dumating si Pangulong Aquino sa Villamor Airbase mula sa pagdalo nito sa 18th ASEAN Summit, maglalabas ng Administrative Order (AO) upang matukoy ang magiging trabaho ni Roxas.

Wika pa ni Lacierda, ang presidential chief of staff ay existing position naman na unang inokupahan ng yumaong Sen. Renato Cayetano sa Ramos administration.

Aniya, inaasahang magiging katulong si Roxas ng Gabinete sa pagpapatupad ng mga programa ng gobyerno.

Show comments