6th Puregold 'Sari-Sari' Convention plantsado na

MANILA, Philippines -  Plantsado na ang lahat para sa pagsasagawa ng 6th Puregold Sari-Sari Convention na nakatakda mula May 18-21, 2011 sa World Trade Center, Pasay City.

Walang iba kundi si Vice President Jejomar Binay at Presidential Adviser on Overseas Filipino Workers (OFWs) ang inimbitahan bilang guest of honor at speaker sa opening ceremony ng event.

Itinuturing na pinakamalaking small at medium-entrepreneur gathering sa bansa, dala ng convention ang temang “SIKAP - Sari-sari Store, Itaguyod Kasama ang Puregold”.

Maliban kay Binay, inaasahan ding dadalo sa event ang malalaking pangalan sa larangan ng negosyo at showbiz tulad nina Boy Abunda, Vic Sotto at Joey de Leon. Magbibigay rin ng lectures at seminars para sa small-scale entrepreneurs ang motivational at professional speakers, tulad nina Francisco Colayco, Chinkee Tan, Francis Kong, Lloyd Luna at Jojo Baldo.

Layon ng event na ilabas ang pagiging negosyante sa bawat Pilipino sa pamamagitan ng paghikayat sa kanila na pumasok sa small-scale business tulad ng sari-sari store.

Lalahok din sa event ang 150,000 aktibong miyembro ng Puregold Tindahan ni Aling Puring club, na binubuo ng small-scale entrepreneurs tulad ng sari-sari store owners, canteen at restaurant operators at resellers.

Ang mga hindi miyembro na interesadong magtayo ng negosyo ay maaaring sumali sa event sa May 20 hanggang 21.

Show comments