BoC nagsampa ng P5-B smuggling case vs. Phoenix Petroleum

MANILA, Philippines - Nagsampa ng P5-bilyong smuggling case ang Bureau of Customs (BoC) laban sa Phoenix Petroleum kaugnay ng kanilang Run After The Smugglers (RATS).

Isinampa ni BoC Commissioners Angelito Alvarez­ ang P5-B smuggling case laban sa Phoenix sa De­partment­ of Justice (DOJ) kahapon.

Sinabi ni Comm. Alvarez, lumabag ang Phoenix Petroleum sa tariff and customs code dahil sa hindi pagbabayad nito ng excise at Value Added taxes bukod sa hindi pagsusumite ng mga import documents.

Kabilang sa kinasuhan ng BoC ay sina Jorlan Cabanes na isang Davao-based customs broker at 7 iba pa kabilang ang ilang tiwaling tauhan sa BoC na kasabwat nito.

Ayon kay Alvarez, nabuo ng RATS ang kaso laban sa Phoenix matapos madiskubre na ang 9 na import entries nito ay hindi magtugma sa volume at value ng Load Port Survey (LPS) na isinumite ng international surveyor na kinontrata ng BoC.

Ayon naman kay Customs Deputy Commissioner Gregorio Chavez, executive director ng RATS, uma­bot sa P5,144,035 ang hindi binayarang tariff, excise tax at VAT ng Phoenix Petroleum sa kanilang mga inangkat na petroleum products sa pagitan ng June 2010 at Abril ng taong ito.

Show comments