MANILA, Philippines - Hindi umano prayoridad ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang kontrobersyal na Reproductive Health (RH) Bill sa muling pagbubukas ng session sa Lunes, Mayo 9.
Ayon kay Deputy Speaker Erin Tañada, may instruction umano si House Speaker Feliciano Belmonte na wala munang tatalakaying kontrobersyal na panukalang batas tulad ng RH bill.
Sa kabila nito maari naman umanong pag usapan subalit wala ito sa line-up ng plenaryo at hindi rin ito prayoridad at sa halip ay pawang mga committee hearing na lamang ang kanilang gagawin kaugnay sa mga pagtaas ng presyo ng langis.
Giit pa ng mambabatas tulad ng inaasahan ay maraming mga kongresista ang wala sa Lunes na unang araw ng session dahil mayroon pang mga hang-over ang mga ito dahil sa katatapos na laro ni pound for pound king at Sarangani Rep. Manny Pacquiao.
Dahil dito kayat wala na umano silang inaasahang malaking mangyayari sa pagbubukas ng sesyon sa Lunes.
Ayon naman kay Pa rañaque Rep. Roilo Golez, na sa 106 listahan ng pag-uusapan sa plenaryo ng Kamara ay pang 96 ang RH bill bilang patunay umano ito na hindi talaga prayoridad ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang naturang panukalang batas.