Manila, Philippines - Naungusan na ngayong taon ang rekord ng mga kaso ng dengue sa bansa noong nakalipas na taon.
Sa pinakahuling ulat ng Disease Surveillance Report at National Epidemiology Center (NEC) ng Department of Health (DOH) lumilitaw na mula Enero 1 hanggang Abril 2, 2011 ay umaabot na sa 17,228 ang naitalang dengue cases sa bansa at nasa 105 katao na ang nasawi.
Kumpara sa nakalipas na taon sa kaparehong petsa, nasa 17, 172 lamang o tumaas ngayong taon ng 33 porsyento.
Lamang pa rin ang bilang na naitala sa National Capital Region (28.1%), Region III (18.9%) at Region IV-A (17.5%).
Sa kabila ng mas pinaigting na kampanya ng DOH laban sa dengue ay patuloy pa itong lumolobo bunga na rin umano ng pagbabago ng panahon.