Baldoz dawit din sa plunder

MANILA, Philippines - Posible umanong masabit sa plunder case ni da­ting pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo si Labor Secretary Rosalinda Baldoz.

Ayon kay Solicitor Ge­ne­ral Francisco Chavez, si Baldoz ang chairman ng Philippine Overseas Employment Administration ng mangyari ang umano’y OWWA fund transfer.

Paliwanag ng isa sa mga complainants, kabilang si Baldoz sa mga lumagda noon sa ipinasang OWWA board resolution na nagpapahintulot para mailipat ang P550-million OWWA Medicare Fund sa PhilHealth.

Sa alegasyon ni Cha­vez, ginamit ng dating administrasyong Arroyo ang nasabing pondo sa kaniyang pangangampaniya noong 2004 elections.

Bukod kay Baldoz, ka­­sama rin sa lumagda sa resolusyon si dating OWWA Board Chairman Patricia Santo Tomas.

Show comments