Mag-jowa na carnappers, timbog

MANILA, Philippines - Nagwakas ang mo­­dus operandi sa pa­nga­ngarnap ng mag­live-in partner nang ipa­aresto ng isang fire volunteer na nakakitang sakay ang dalawa ng kaniyang nawawalang motor­siklo, sa Tondo, Maynila, ka­ma­­ kalawa ng hapon.

Dinakip sina Ronald Arnaldo, 28 at si Arvy Gumarang, 28   dahil sa reklamo ng biktimang si Ivan del Rosario, 35.

Sa reklamo ni del Rosario, dakong alas-6:00 ng umaga kamakalawa nang iparada niya ang Honda Wave (9814 PH)kulay gray sa panulu­kan ng P. Herrera at Ylaya Sts., sa Tondo na biglang naglaho kaya ipina-blotter sa pulisya.

Sa follow-up operation, namataan ang motorsiklo na nakaparada sa isang parking lot sa Moriones St., Tondo kaya’t inabangan ang si­numang kukuha nito hanggang sa dumating ang dalawang suspect na kaagad sumakay at pinaandar ang motorsiklo. Sa puntong iyon ay agad silang sinita at inaresto ng mga tauhan ng MPD-station2.

Nang i-turn over sa MPD-ANCAR, nabuking na ang dalawang suspect ang mismong na­ngungursunada ng mga ipinaparadang motor at tatangayin. Ibenebenta nila ang mga nakukulimbat sa isang erya sa Isla Puting Bato sa halagang P4,000 lamang. 

Show comments