Bus, taxi drivers nasorpresa sa drug test

MANILA, Philippines - Nasorpresa ang mga bus at taxi drivers nang magsagawa ng big­la­­ang drug test ang pamu­nuan ng Philippine Drug Enforcement Agency upang masiguro ang ka­ligtasan ng publikong bibiyahe pa­pauwi at pa­balik ng kanilang probinsya sa pagta­tapos ng Holy week.

Ayon kay PDEA Director General/Undersecretary Jose S. Gutierrez Jr., kaisa ng PDEA ang PNP at LTO na nagsagawa ng drug test sa bus at taxi drivers sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa.

Ang PDEA Regional Office 6 ang nangasiwa sa drug test ng may 22 bus drivers kung saan lahat ay negatibo ang resulta. Sa Region 8 naman ay lima sa 50 drivers ang nag-positibo, habang sa Region 7 ay dalawa. Sa Region 9, sa 11 drivers na sinuri, lahat ay negatibo sa illegal drugs, habang sa Region 10, sa 35 drivers na sinuri­ ay wala ring nakitang positibo sa droga. 

Ang PDEA Regional Office 11 na nakabase sa Davao City ang nagsagawa ng sorpresang drug test sa may 311 katao na kinabibilangan ng driver at call center agents. Ta­nging isa lamang ang nagpositibo sa illegal drugs, pero nag-negatibo naman sa confir­matory test.

Show comments