MANILA, Philippines - Pinalakas pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang security operations at mahigpit na pagbabantay upang hindi malusutan ng mga teroristang grupo na posibleng manabotahe ngayong Semana Santa.
“We are on heightened alert status, we will increased our vigilance,” pahayag ni AFP Spokesman Commodore Miguel Jose Rodriguez .
Sa kabila nito, sinabi naman ni Rodriguez na bagaman walang direktang banta ng terror attack ay mas mabuti na ang nakahanda ang security forces bilang suporta sa Philippine National Police (PNP) para mapangalagaan ang seguridad ng mamamayan.
Ang PNP ay nauna nang nagtaas ng full alert status kaugnay ng paggunita sa Mahal na Araw na oobserbahan hanggang Linggo ng Pagkabuhay (Abril 24).
Partikular na binabantayan ang mga pangunahing pasilidad ng gobyerno habang todo bantay naman ang bisinidad ng mga simbahan partikular na sa rehiyon ng Mindanao na may presensya ng mga bandidong Abu Sayyaf at mga Moro Islamic Liberation Front (MILF).