Ombudsman Gutierrez ayaw patulan ang giyera ni PNoy

MANILA, Philippines - Pagpapakumbaba at respeto ang ibinabalik ni Ombudsman Merceditas Gutierez kay Pangulong Aquino sa kabila ng walang-tigil nitong deklarasyon ng giyera laban sa kanya.

Halatang tinatamaan si Gutierez sa kampanya ng Pangulong Aquino na Oust Merceditas Gutierrez (OMG) hanggang sa mga estudyante na suportahan ang impeachment ng Ombudsman pero pinipili umano niyang manahimik dahil iginagalang niya ang tanggapan ng Pangulo.

Wala umanong balak si Gutierrez na makipagsagutan sa Pangulong Aquino dahil magdudulot lamang ito ng kasiraan sa kanilang dalawa at hindi ito nararapat laluna nga­yong panahon ng Semana Santa.

Ipinauubaya na niya umano sa Senado ang paghatol sa kanyang impeachment case.

Anya, handa siyang sumailalim sa proseso sa impeachment court hindi dahil tiwala siyang papawalang sala siya ng mga senador kundi dahil naniniwala siyang protektado laban sa pressure at partiality ang institusyon ng mga ito.

Show comments