MANILA, Philippines - Dahil sa pagpasok ng tag-init, nagbabala ang Department of Health (DOH) na posibleng dumami ang mga sakit na nakukuha rito.
Kabilang sa mga inaasahang sakit ay diarrhea, food poisoning, sunburn at heat stroke.
Sinabi ni Dr. Eric Tayag, direktor ng DOH-National Epidemiology Center (NEC), inaasahang tataas ang porsiyento ng pagkakaroon ng mga naturang sakit partikular na ang diarrhea at food poisoning dahil ito rin ang panahon ng mga fiesta.
Maging mapagmatyag sa mga iniinom na tubig na maaaring kontaminado ng bacteria at amuyin muna ang mga pagkaing ihahain upang masigurong hindi pa ito panis.
Dapat ding tiyaking malinis ang pagkakahanda ng pagkain upang maiwasan ang food poisoning.
Ugaliin ding maghugas ng kamay bago at pagkatapos kumain at uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang dehydration.