MANILA, Philippines - Muling nag-alburoto ang bulkang Taal sa Batangas matapos makapagtala ng 11 pagyanig sa paligid nito sa nakalipas na 24 oras.
Ayon kay July Sabit ng Phivolcs, nakataas na sa alert level 2 ang paligid ng Taal at may nakikita nang magmatic activity sa paligid ng bulkan.
Anya, patuloy pa ring tumataas ang seismic activity sa main crater lake nito kayat mahigpit pa rin ipinagbabawal ang pagpasok ng sinuman malapit sa bunganga ng bulkan dahil sa banta ng pagsabog.
Pinaalalahanan pa ng Phivolcs na ang bulkang Taal ay Permanent Danger Zone (PDZ) at mahigpit na ipinagbabawal ang pagtatayo ng bahay malapit dito.