MANILA, Philippines - Dapat na gayahin na lamang umano ni Ombudsman Merceditas Gutierrez ang ginawang pagbibitiw ni Deputy Ombudsman for Luzon na si Mark Jalandoni.
Ayon kay Quezon City Rep. Winnie Castelo, dapat lamang na magsilbing halimbawa kay Gutierrez ang ginawang pagbibitiw ni Jalandoni.
Sa sandaling magbitiw na umano si Gutierrez ay maisasalba pa nito ang Pilipinas sa mahabang paglilitis na maaring magresulta sa pagkakahati-hati ng bansa.
Paliwanag pa ng mambabatas, ang magiging scenario sa sandaling mag-resign si Gutierrez ay magpapatuloy ang Kamara at Senado sa kanilang legislative agenda sa mga nakabinbing panukalang batas upang maresolba ang nararanasang problemang pang ekonomiya ng bansa.
Si Jalandoni ay nagbitiw matapos itong kasuhan ng isang advocacy group na Serve the People Movement Inc. dahil sa umano’y, dishonesty, grave mosconduct at falsification of public document.