2 Pinay nirape sa Dubai, Syria

MANILA, Philippines - Dalawang Pinay ang umano’y ginagahasa sa bansang Dubai at Syria.

Hiniling ng Migrante-United Arab Emirates (UAE) chapter sa Embahada ng Pilipinas na im­bestigahan ang ulat na ginagahasa ng mga guwardya ng kulu­ngan sa Dubai ang nakapiit na 23-anyos na Pinay na itinago sa pangalang Cristy, tubong Sta. Monica, San Pablo City.

Nagawang maisumbong ni Cristy sa kanyang ina ang nangyari sa kanya matapos na mabiktima siya ng holdap noong Disyembre 2010 nang agawin ang kanyang bag at nang magreklamo sa pulisya ay siya pa ang nakulong matapos na hindi umano maintindihan ang salitang Arabo.

Ang masaklap, ginawa umanong sex slave ng mga jailguard si Cristy. Humingi ng tulong ang ina ni Cristy sa DFA subalit wala umano silang naantay na ginawang aksyon ang DFA.

Ang nasabing OFW ay umalis sa Pilipinas noong Hulyo 2010 at nagtrabaho bilang singer sa Dubai.

Samantala, isa pang Pinay ang umano’y ginahasa sa Syria.

Una nang humingi ng tulong ang nasabing OFW rape victim sa mga opisyales ng Embahada ng Pilipinas na nakilalang sina Ben Espinosa at isang Ma’am Tina subalit hanggang sa kasalukuyan ay wala umanong tulong na naibigay sa nasabing Pinay at wala ring aksyon na ginawa sa kaso nito. 

Show comments